Magandang araw po sa iyo Sir Jayson.
Una po sa lahat ay gusto kong magpasalamat sa iyong matiyagang pagtuturo sa aming klase. Marami po akong natutunan sa buong semester na ating pinagsamahan. Para po sa akin ay napakahusay po ninyong guro. Nakita ko po na mahal ninyo ang inyong pagtuturo. Napapasaya niyo po kami sa bawat oras ng ating klase.
Maraming-maraming salamat po. Mag-iingat po kayo palagi. Mahal po namin kayo.
Miyerkules, Oktubre 5, 2011
Ang Aking Karanasan Sa Filipino 110
Sa aking pag-aaral sa subject na ito ay marami akong natutuhan. Bilang isang Pilipino ay natutunan kong pahalagahan ang ating wika. Nalaman ki rin ang mga wastong paggamit ng mga salita ng ating wika. Sa pag-aaral ko sa subject na ito ay mas lalo kong minahal ang ating wika. Nakakuha rin ako ng maraming kaalaman tungkol sa mga nangyayaring pagbabago sa ating wika. Sa mga bawat activities na ginagawa namin sa subject na ito ay natutuwa ako sa tuwing madaragdagan ang aking mga kaalaman. Npansin ko na madali lamang pag-aralan ang ating wika lalo na kung ito ay ating minamahal at tinatangkilik.
Ang Sining ng Aking Pangalan
J- ennelyn ang pangalan ko
E-mosyon ko ay malawak
N-ananatiling matatag
N-ang ako'y maging dalaga
E-va tila aking ganda
L-iwanag sa aking buhay
Y-aong mga taong mahal
N-a nagbibigay ng lakas
E-mosyon ko ay malawak
N-ananatiling matatag
N-ang ako'y maging dalaga
E-va tila aking ganda
L-iwanag sa aking buhay
Y-aong mga taong mahal
N-a nagbibigay ng lakas
SI P-NOY PARA SA MGA PINOY
Tayong mga Pilipino ay palaging naghahangad ng magandang pamamalakad ng ating administrasyon. Ngayon ay naihalal na naman ang administrasyong Aquino. Marami ang umaasa sa mga pagbabago. Kung saan ang mga mahihirap nating mga kababayan ang mas makikinabang sa mga pagbabagong ito.
Ayon sa suvey, lumalabas na marami ang may gusto sa pamamahala ni P-noy. Marami na siyang natulungan at marami na rin siyang nagawang mga proyekto sa ating bansa. Para sa marami, si P-noy ay talagang nagsisikap ibangon ang ating bayan mula sa kahirapan. Ngunit hindi rin natin masasabi na magagawa nga talaga niya ito sa kadahilanang halos lahat sa atin ay hirap talagang umahon sa kahirapan.
Huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil nakikita naman natin na sa ngayon ay sinisikap ni P-noy na matugunan ang mga pangangailangan nating mga Pilipino. Unti-unti niyang tinutupad ang kanyang mga pangako sa bayan. Tulad ng kanyang ina, makasisiguro din tayo na mas mapapabuti ni P-noy ang ating bansa kaysa sa mga nakaraang administrasyon

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)