Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Para kay Sir Jayson

Magandang araw po sa iyo Sir Jayson.

Una po sa lahat ay gusto kong magpasalamat sa iyong matiyagang pagtuturo sa aming klase. Marami po akong natutunan sa buong semester na ating pinagsamahan. Para po sa akin ay napakahusay po ninyong guro. Nakita ko po na mahal ninyo ang inyong pagtuturo. Napapasaya niyo po kami sa bawat oras ng ating klase.
Maraming-maraming salamat po. Mag-iingat po kayo palagi. Mahal po namin kayo.

Ang Aking Karanasan Sa Filipino 110

Sa aking pag-aaral sa subject na ito ay marami akong natutuhan. Bilang isang Pilipino ay natutunan kong pahalagahan ang ating wika. Nalaman ki rin ang mga wastong paggamit ng mga salita ng ating wika. Sa pag-aaral ko sa subject na ito ay mas lalo kong minahal ang ating wika. Nakakuha rin ako ng maraming kaalaman tungkol sa mga nangyayaring pagbabago sa ating wika. Sa mga bawat activities na ginagawa namin sa subject na ito ay natutuwa ako sa tuwing madaragdagan ang aking mga kaalaman. Npansin ko na madali lamang pag-aralan ang ating wika lalo na kung ito ay ating minamahal at tinatangkilik.

Ang Sining ng Aking Pangalan

J- ennelyn ang pangalan ko
E-mosyon ko ay malawak
N-ananatiling matatag
N-ang ako'y maging dalaga
E-va tila aking ganda
L-iwanag sa aking buhay
Y-aong mga taong mahal
N-a nagbibigay ng lakas

SI P-NOY PARA SA MGA PINOY

Tayong mga Pilipino ay palaging naghahangad ng magandang pamamalakad ng ating administrasyon. Ngayon ay naihalal na naman ang administrasyong Aquino. Marami ang umaasa sa mga pagbabago. Kung saan ang mga mahihirap nating mga kababayan ang mas makikinabang sa mga pagbabagong ito.
Ayon sa suvey, lumalabas na marami ang may gusto sa pamamahala ni P-noy. Marami na siyang natulungan at marami na rin siyang nagawang mga proyekto sa ating bansa. Para sa marami, si P-noy ay talagang nagsisikap ibangon ang ating bayan mula sa kahirapan. Ngunit hindi rin natin masasabi na magagawa nga talaga niya ito sa kadahilanang halos lahat sa atin ay hirap talagang umahon sa kahirapan.
Huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil nakikita naman natin na sa ngayon ay sinisikap ni P-noy na matugunan ang mga pangangailangan nating mga Pilipino. Unti-unti niyang tinutupad ang kanyang mga pangako sa bayan. Tulad ng kanyang ina, makasisiguro din tayo na mas mapapabuti ni P-noy ang ating bansa kaysa sa mga nakaraang administrasyon

Sabado, Setyembre 17, 2011

Ang Awit ng Aking Buhay

This Is Me :
I've always been the kind of girl
That hid my face
So afraid to tell the world
What I've got to say
But I have this dream
Right inside of me
I'm gonna let it show, it's time
To let you know
To let you know

This is real, this is me
I'm exactly where I'm suppose to be, now
Gonna let the light, shine on me
Now I've found, who I am
There's no way to hold it in
No more hiding who I want to be
This is me

Do you know what it's like
To feel so in the dark
To dream about a life
Where you're the shining star
Even though it seems
Like it's too far away
I have to believe in myself
It's the only way

This is real, This is me
I'm exactly where I'm suppose to be, now
Gonna let the light, shine on me
Now I've found, who I am
There's no way to hold it in
No more hiding who I want to be
This is me

You're the voice I hear inside my head
The reason that I'm singing
I need to find you, I gotta find you
You're the missing piece I need
The song inside of me
I need to find you, I gotta find you

This is real, this is me
I'm exactly where I'm suppose to be, now
Gonna let the light, shine on me
Now I've found, who I am
There's no way to hold it in
No more hiding who I want to be
This is me
You're the missing piece I need
The song inside of me (this is me)
You're the voice I hear inside my head
The reason that I'm singing
Now I've found, who I am
There's no way to hold it in
No more hiding who I want to be
This is me


     Napili ko ang kantang ito bilang awit ng aking buhay. Dahil sa katunayan ay hindi ako talaga ganoon kakilala ng mga taongt nakapaligid sa akin. Hindi ko rin agad ipinapakita sa kanila ang totoong ako. Ngunit dumating ang panahon na aking npag-iipan na dapat kong ipakilala ang tunay na ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Anuman ang kanilang masabi sa totoong. Kaya heto ako ngayon bilang ako. Walang itinatagong lihim sa aking pagkatao at buong tapang na humaharap sa kahit na sino bilang ako.

Sampung Taon Mula Ngayon, Heto na Ako!


     Sampung taon mula ngayon, nakikita ko ang aking sarili bilang isang matagumpay na tao. Na kung saan ay nakatapos na ako sa aking pag-aaral at may sarili na akong pamilya. Ako ay kasalukuyang nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya bilang IT Expert. Nangibang bansa muna ako kasama patungong Canada upang ako'y marami pang matutunan sa turo ng aking tito na nakatira doon at nagtatrabaho bilang civil engineer.  Habang ako ay naghahanapbuhay ay kasalukuyan ko ring tinutulungan ang aking mga magulang pagdating sa pinansyal na pangangailangan.
     Masaya ako kasama ang aking asawa at tatlong anak. Masarap sa aking pakiramdam na maging isang mabuting asawa at ina. Kami ay may sariling tahanan na napuundar namin sa aming pagsisikap sa trabaho.
     Kasalukuyan naming pinag-aaral ang aming mga anak na nasa elementarya. Masaya ako sa aking buhay ngayon.

Si Crush

 


    Si Chris Tiu  ay isang Filipino Professional basketball player. Hinahangaan ko siya pagdating sa kanyang paglalaro. Para sa akin ay sadyang napakahusay niyang maglaro. Palagi kong sinusubaybayan ang bawat laban ng kanilang koponan. Nakikita ko sa bawat laban niya na mahal niya ang kaniyang paglalaro.
    Hindi lamang sa paglalaro ng basketball magaling si Chris Tiu. Maging sa pag-host at pag-plug ng mga commercials ay mahusay din siyang gumanap. Idagdag pa natin ang pagiging gwapo niya.
    Higit kong hinangaan sa kaniya ang kaniyang katalinuhan. Nagtapos siya ng dalawang major courses sa Ateneo de Manila University.

Ako Bilang Iang Bagay

   Maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang unan. Isang malambot na unan, masarap yakapin at hindi nawawala sa ating silid.
    Tulad ko, isang simpleng tao na may mabuting puso sa aking kapwa. Sa tuwing may nangangailangan ng aking tulong sa aking mga kaibigan ay handa akong tumulong sa kanila. Sinasabi ng aking mga kaibigan na mahusay daw akong tagapakinig at tagapayo. Kung kaya't hindi na sila nagdadalawang isip na ako'y lapitan. Handa rin akong ipahiram ang aking balikat sa tuwing may gustong umiyak at maglabas ng sama ng loob.
   Iyan ang mga karakter na nakita ko sa isang unan. Kaya ito ang naihalintulad ko sa aking sarili.

Biyernes, Setyembre 16, 2011

Ang Aking Pamilya

   Binuuo ng anim na miyembro ang aming pamilya. Ako ay may tatlong kapatid. Ang aming pamilya ay simple lamang. Ang aming pamumuhay ay nasa gitnang lebel lamang.
   Maayos ang samahan ng aming pamilya. Sa tuwing may suliranin ang aming pamilya ay sama-sama namin iyong nilultas. Hindi rin kami naglilihim sa isa't isa. Para kaming magkakaibigan kung magturingan. 
   Ang aming mga magulang ay istrikto ngunit hindi mahirap lapitan at kausapin pagdating sa mga personal na bagay. Mahal na mahal namin ang bawat isa.

Ang Aking Sarili

   Ako si Jennelyn A. Dato na nakatira sa barangay Abar 2nd San Jose City, Nueva Ecija. Ako ay kasalukuyang nag-aaral sa Central Luzon State University. Ang kursong aking kinukuha ay ang Bachelor of Science in Information Technology. Ako ngayon ay kasalukuyang nasa ikalawang taon.
   Mailalarawan ko ang aking sarili bilang isang simpleng tao lamang. Isang natural na mag-aaral, at isang simpleng dalaga. Isa rin akong palakaibigan na tao. Hindi ako namimili ng mga taong aking kakaibiganin. Ngunit nakabatay din sa ugali at persoalidad ng isang tao kung siya a ay mabuti o hindi.
   Ang sports na aking kinahihiligan ay ang volleyball. Mahilig din ako lumabas kasama ang aking mga kaibigan o kaya ay ang aking pamilya tuwing bakasyon.