Sabado, Setyembre 17, 2011

Sampung Taon Mula Ngayon, Heto na Ako!


     Sampung taon mula ngayon, nakikita ko ang aking sarili bilang isang matagumpay na tao. Na kung saan ay nakatapos na ako sa aking pag-aaral at may sarili na akong pamilya. Ako ay kasalukuyang nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya bilang IT Expert. Nangibang bansa muna ako kasama patungong Canada upang ako'y marami pang matutunan sa turo ng aking tito na nakatira doon at nagtatrabaho bilang civil engineer.  Habang ako ay naghahanapbuhay ay kasalukuyan ko ring tinutulungan ang aking mga magulang pagdating sa pinansyal na pangangailangan.
     Masaya ako kasama ang aking asawa at tatlong anak. Masarap sa aking pakiramdam na maging isang mabuting asawa at ina. Kami ay may sariling tahanan na napuundar namin sa aming pagsisikap sa trabaho.
     Kasalukuyan naming pinag-aaral ang aming mga anak na nasa elementarya. Masaya ako sa aking buhay ngayon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento