Sabado, Setyembre 17, 2011

Ako Bilang Iang Bagay

   Maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang unan. Isang malambot na unan, masarap yakapin at hindi nawawala sa ating silid.
    Tulad ko, isang simpleng tao na may mabuting puso sa aking kapwa. Sa tuwing may nangangailangan ng aking tulong sa aking mga kaibigan ay handa akong tumulong sa kanila. Sinasabi ng aking mga kaibigan na mahusay daw akong tagapakinig at tagapayo. Kung kaya't hindi na sila nagdadalawang isip na ako'y lapitan. Handa rin akong ipahiram ang aking balikat sa tuwing may gustong umiyak at maglabas ng sama ng loob.
   Iyan ang mga karakter na nakita ko sa isang unan. Kaya ito ang naihalintulad ko sa aking sarili.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento